Saturday, June 13, 2009

Raya Martin's Independencia a hit at 14th French Film Festival

Raya Martin'sIndependencia a hit at 14th French Film Festival

William R. Reyes

Hindi inaasahan ng baguhang filmmaker na si Raya Martin ang magandang pagtanggap ng mga Pilipinong manonood sa bago niyang pelikulangIndependencia nang ganapin ang Philippine premiere nito kahapon, Hunyo 12, 2009, sa Shangrila-EDSA Cinema Complex.

Ang premiere night ay kaugnay ng ginaganap na 14th French Film Festival, kung saan may tribute sa mga pelikulang Pilipino, sa pagdiriwang ng ika-111 Araw ng Kasarinlan (Philippine Independence Day).

Kasamang pinakilala si Direk Raya Martin at ang prodyuser na si Arleen Cuevas, at ang dalawa sa mga nagsiganap: si Alessandra de Rossi at ang child actor na si Mika Aguilos Burton. Sa dami ng mga dumating na gustong mapanood angIndependencia ay nagpasya ang prodyuser at pamunuan ng cinema complex (through filmfest organizer Mark Macalintal of the French Embassy) na magkaroon ng dalawang screening, sa ika-8, at sa ika-9:30 ng gabi.


"Masaya ako dahil maraming pumunta at gustong manood ng pelikula ko," sabi ni Raya, ang batambatang direktor (only in his mid-20s) na binigyan ng grant ng French government para gawin ang pelikula.

"I think this year is a specially great time to celebrate Philippine cinema," sabi ni Macalintal, na nangunguna sa pagbati sa mga Pilipinong filmmaker, tulad nina Raya Martin, Adolfo B. Alix, Jr., at Brillante Mendoza na nagwaging Best Director sa 62nd Cannes International Film Festival sa taong ito para sa pelikulang Kinatay (The Execution of P).

On his part, bukod sa Independencia (entry sa Un Certain Regard section ng Cannes Filmfest '09) ay mayroong Manila (Special Exhibition section) na magkatuwang na dinirek nina Raya Martin at Adolf Alix, Jr.

VILMA FIRST OFFERED TETCHIE ROLE. Marami umanong Vilmanians (fans ni Gov. Vilma Santos-Recto) na nagpunta sa premiere night. Gusto nilang mapanood ang pelikula, partikular ang mga eksenang ginawa ni Tetchie Agbayani, na ang papel (bilang ina ni Sid Lucero) ay unang inialok kay Vilma Santos.

"Yes, the role was first offered to her, but [she declined]... nagkaproblema kami sa schedule," pagtatapat ni Direk Raya. "At that time, she was starting to work... yung sa Star Cinema [In My Life]; priority commitment niya, which we understand, kasi matagal na nilang plano yun.

"Nung last naming mag-usap, she [Vilma] really wanted to [do the film]; she really liked the script," sabi pa ni Raya.

Sa sinabing ito ng direktor ay maiisip din, kung nabasa nga ba ni Gov. Vi, at nagustuhan pati ang partikular na eksenang "may ka-sex ang bidang tauhan," na ipapakita (in "graphic detail") bilang tipong "flashbulb memory" ng isang babaeng nawalan ng kabiyak at nalulumbay sa gitna ng pag-iisa, sa gabing malamig?

"Sa original script, meron yun... na ako lang ang nakakaalam," at nangiti si Raya, bago nagpaalam para sa susunod na screening.

LIFE AND SURVIVAL IN THE FOREST. Kinunan nang kabuuan ang Independenciasa black-and-white, at balitang gumamit ang direktor at mga kasamahan sa produksiyon ng isang malaking bodega na nagsilbing setting ng kuwento; ginawa itong mistulang gubat na puno ng mga halaman; may bukal sa gitna, mga hayop at abandonadong kubo na naging tirahan ng mga pangunahing tauhan (Tetchie Agbayani, Sid Lucero, Alessandra de Rossi at Mika Aguilos Burton, pati mga ekstrang Amerikano).

Ang panahon ng kuwento ay naganap sa pagsisimula ng ika-20 siglo, nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas matapos ang pananakop ng mga Kastila.

Lumikas mula sa kabayanan ang mag-inang Tetchie at Sid, at natutong mamuhay sa gitna ng masukal na gubat. Kung paanong namuhay rin sa ganitong kalagayan ang sumunod na henerasyon (sina Sid at Alessandra, kasama ang kaisa-isang anak na lalaki) ay siyang buod ng kuwento.

May mga pagkakataong ang buhay ng mag-anak, sa gitna ng kagubatan, ay nalipos ng kahirapan, pagdarahop at taggutom, at may banta ng paniniil mula sa mga dayuhan, pero ipinakitang higit na mahalaga ang kalayaan sa anumang pagkakataon at sitwasyon.

Ikinatuwa ni Raya ang interes ng manonood sa bago niyang pelikula.

"Alam natin, sa nagdaang tatlong taon, ang mga Pilipino ay parang hindi masyadong interesadong manood ng Filipino films. I think,may revival ng ganung attitude, gaya nang dati, na gustung-gusto nating pumunta sa sinehan para manood ng pelikulang Pilipino.

RAYA'S EXPERIMENTS. Kapansin-pansin na "mas kakaiba" ang Independencia sa mga naunang obrang pampelikula ni Raya. Mas "mainstream" ang tinatakbo ng naratibo, na may malinaw na tunguhin ang pagkukuwento, kaysa pagkukuwentong eksperimental, tulad sa iba pang Raya Martin films, namely:

Maicling Pelicola ng Ysang Indio Nacional (2006), a series of silent short films, depicting the early years of the Philippine Revolution in the late 1890s;

Autohystoria (2007), pagbabalik-tanaw sa kabayanihan ni Gat. Andres Bonifacio, na hindi gumagalaw ang kamerang nakatutok sa Monumento, sa Kalookan City, at kinukunan ang mga umiikot na mga sasakyan; o kaya'y naglakad lang nang naglakad ang dalawang tauhan, bago ang reenactment ng pagkakapatay umano ni Emilio Aguinaldo (o ng kaalyado nito) kay Andres Bonifacio;

Now Showing (2008), mga hindi kilalang artista ang gumanap; may birthday celebration na parang kapitbahay o kamag-anak natin ang napapanood; napakanatural ng mga akting; at

Next Attraction (2008), a movie-within-a movie set; gumanap sina Jaclyn Jose at Coco Martin bilang mag-ina; sinadyang ipinakita in its raw form, as in series of rushes, habang ongoing pa ang shoot.


agdag ni Raya, on his latest, Independencia (2009), "Mas 'mainstream' nang konti, pero, siyempre, yung hitsura niya... [tipikal na indie movie, low-budgeted, kaya]... contained siya [sa studio], lahat-lahat, except yung sa gitna."

Suddenly, may "paningit" na mga eksena, nang dumating na ang mga Amerikano, at biglang may eksenang nasa totoong lugar sa isang rural town ang mga tauhan; na ipinakita ang kalupitan ng mga Amerikanong sundalo (tulad sa kontemporaryong paglalahad, noong 1976, saMinsa'y Isang Gamu-Gamo ni Lupita A. Concio).

EXPLORING MAINSTREAM. Tipikal din of a Raya Martin film na yung texture ay parang pelikulang ginawa mismo sa panahong ipinakikita; mayroong bahagi, halimbawa, na nawawala ang mga imahe sa screen, na aakalaing likha ng nasisirang projector o misplaced negative sa reel. At ang istilong ganito ay lalong nakakadagdag sa authenticity ng obra.

"Iba din kasi yung pagod na inilalagay nila dati sa [paggawa ng] pelikula," opinyon ni Raya.

Bukod sa tig-isang "tribute episode" nila ni direk Adolf Alix, Jr. sa Manila, na mula sa mga pelikulang Manila By Night (ni Ishmael Bernal) at Jaguar (ni Lino Brocka), na si Piolo Pascual ang actor-producer, handa na ring gumawa si Raya Martin ng "mas mainstream" na pelikula.

"Kasi, I can do everything, so parang iniisip ko ngayon, iba-iba din. Ayaw ko din yung [sasabihing]... ito, isang klase lang ng pelikula ang dinidirek.

"Yung susunod ko, I think, hindi siya period," nakangiting pagbanggit uli ng baguhang filmmaker na totoong masaya sa naging pagtanggap ng manonood sa bago niyang pelikula.


http://www.pep.ph/news/22099/Raya-Martin's-Independencia-a-hit-at-14th-French-Film-Festival/1/2

No comments: